To: Mga tagagawa ng patakaran
COVID-19 Manipesto ng Pandaigdigang Kapatiran
Petition Text
Nilalantad ng krisis COVID-19 na mahigpit ang kabuluhang baguhin ang mga pandaigdigang istruktura ng di-pagkakapantay at karahasan. Kaming nagmumula sa maraming bahagi ng mundo ay mapangahas na tinatangan ang makasaysayang pagkakataong ito. Itinatayo namin ang kapatiran sa bawat antas: lokal, pambansa, pandaigdig. Kahit pa hinihingi ang pagitang pisikal, binubuo namin ang mga samahan ng mutwal na tulungan, mga network sa komunidad, at kilusang panlipunan. Dinedeklara namin ngayon ang manipestong ito para maghandog ng mundong pangarap nating buuin, mundong iginigiit natin, mundong kakamtan natin.
1. Iginigiit namin ang malakas na sistema ng kalingang pangkalusugan para sa lahat, at na itaguyod ang kalingang pangkalusugan bilang batayang karapatan ng lahat ng tao.
2. Iginigiit namin ang kagyat na tigil-putukan sa buong mundo sa lahat ng mga tunggalian at ang pagtigil sa salot na gera. Kelangang ilipat ng bawat bansa ang di-bababa sa kalahati ng panggastos militar para ilaan sa kalingang pangkalusugan, pabahay, pag-alaga sa mga bata, nutrisyon, edukasyon, akses sa Internet, at iba pang mga pangangailangang panlipunan para tutoong maproteksyunan ang seguridad ng taumbayan sa pampisikal, sikolohikal, at pangkabuhayan, sa pamamagitan ng pagsasara ng mga dayuhang base militar, pagtigil sa mga pagsasanay militar, at pagwasak sa mga armas nukleyar.
3. Iginigiit namin na palitan ang mga di-sustinableng kapitalistang ekonomya, na nakabase sa pantasya ng paglagong walang-tigil, ng mga ekonomyang may kalinga na nakabatay sa kooperasyon, na pinangangalagaan ang buhay ng tao, ang dibersidad ng buhay, at ang mga rekursong kalikasan; na gumagarantya sa batayang kita para sa lahat; nang sa gayo’y magtulungan ang mga gubyerno na labanan ang bantang eksistensyal ng paglala ng klima.
4. Iginigiit namin ang pag-alis ng lahat ng mga parusang imposisyon na target ang buo-buong mga bansa, na nagpapadahop sa mga balanang bulnerable at pumapatay ng tao bunga ng pagblokedyo sa mga gamot at kagamitang medikal.
5. Iginigiit namin ang pagproteksyon kontra COVID-19 sa lahat ng obrero at paggarantiya sa kanilang pangmatagalang mga karapatan sa kalusugan habang nagtatrabaho, sa kabuhayan at sa paggawa.
6. Iginigiit namin ang lubos na proteksyon ng lahat ng tao, laluna ang pinakabulnerable, kasama ang kababaihan at iba pang biktima ng karahasan ng katalik na partner at ng pang-aabuso sa bata; mga matatanda; mga nagugutom; mga detenido at nasa kulungan, mga refugee at mga sapilitang pinalikas, mga migrante anuman ang estadong pangmigrante, mga walang matirhan, mga taong LGBTQIA+, mga minoryang lahi at etniko, mga katutubo, mga may kapansanan, at iba pa.
7. Iginigiit namin na tumalima ang mga mayayamang bansa sa kanilang responsibilidad na magbigay ng ayudang medikal (kasama na ang sa pamamagitan ng World Health Organization) at ng kaluwagan sa mga utang para sumagip ng maraming buhay sa mga bansang walang malakas na sistema ng kalusugang publiko bunga ng mahabang kasaysayan ng kolonyalismo, neokolonyalismo, at iba pang pagsasamantalang dayuhan at lokal.
8. Iginigiit namin na igalang ng mga gubyerno’t korporasyon ang privacy at huwag samantalahin ang pandemya para dagdagan ang mga mapaniil na imposisyon gaya ng paniniktik, pagdetine nang hindi nalitis, at mga pagsikil sa mga batayang karapatang tao na magtipon, na malayang maghayag, na magtakda sa sarili, at sa boto.
9. Iginigiit namin na sa pagpapatupad ng mga gubyerno sa mga programang muling-pagbuhay sa ekonomya at sa muling pagbukas ng ekonomya, bigyang prayoridad ang mga pangangailangan ng taumbayan sa interes ng iilang naghahari sa mga korporasyon, pinansya at pulitika.
Sa mundong napakalaswa na ng pagitan ng mayaman sa mahirap, kung saan ang yaman ng pinakamarangyang nasa 1% ay higit sa doble sa yaman ng 6.9 bilyong tao, humihiyaw ang pundamental na pagbabago sa distribusyon ng yaman at poder sa buong daigdig at sa bawat bansa. Karapat-dapat na may oportunidad ang bawat nilalang na matamo ang malusog, mapanlikha at may-kinatatamuhang buhay, malaya sa paninibasib ng kagutuman, pagsasamantala at dominasyon.
Higit pang impormasyon at contact:https://www.covidglobalsolidarity.org/

Why is this important?
Nilalantad ng krisis COVID-19 na mahigpit ang kabuluhang baguhin ang mga pandaigdigang istruktura ng di-pagkakapantay at karahasan. Kaming nagmumula sa maraming bahagi ng mundo ay mapangahas na tinatangan ang makasaysayang pagkakataong ito.